Ayon sa ulat ngayong Martes, Agosto 19, natagpuan umano ng pulisya ang b@ngkay ng babae sa sala ng bahay na may sugat sa katawan at pasa sa ulo. Nawawala rin umano ang mga alahas at pera nito.
Dagdag pa ng pulisya, hipag ng biktima ang nakadiskubre matapos itong puntahan sa bahay dahil hindi na umano ito sumasagot sa kanyang mga tawag.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga CCTV footage sa barangay upang matunton ang posibleng suspek.
#PilipinasToday
#IlocosNorte
