SEN. RISA FOR PRESIDENT SA 2028?
Bukas sa posibilidad si Senadora Risa Hontiveros na pamunuan ang oposisyon sa darating na 2028 presidential elections.
Ayon kay Hontiveros, nagsisimula na silang maglatag ng mga paghahanda para sa nalalapit na halalan, ngunit hindi pa aniya natitiyak kung sino ang magiging standard bearer ng kanilang grupo.
“hindi ko pa masabi kung sino ang magiging standard bearer namin kasi mag-a-agree pa kami sa isang proseso,” pahayag ni Hontiveros.
Dagdag pa niya, bukas din ang lahat ng kaniyang mga kasamahan na gampanan ang naturang papel.
Sa ngayon, binigyang-diin ni Hontiveros na uunahin muna niya ang pagpapagkaisa at pagsasanib-puwersa ng oposisyon bilang paghahanda sa halalan.
Mananalo kaya si Philhealth Queen na 3%? ![]()