Zero Billing: Expectation VS Reality

PAGLILINAW SA ZERO BALANCE BILLING

Nilinaw ni Alliance of Health Workers (AWH) Secretary Gen. Cristy Donguines na may prosesong sinusunod para sa No Balance Billing (NBB) Policy ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Kasunod ito ng pahayag ni Pres. Marcos sa kanyang SONA na wala nang babayaran ang mga pasyente sa Department of Health (DOH) hospitals.

“May mga interview pa po ‘yun, may mga requirements pa po silang hinahanap sa inyo. Ngayon, pagkatapos ma-interview, kung ikaw ay hindi po qualified [sa categories], may babayaran ka pa rin naman – hindi po siya libre,” saad ni Donguines sa panayam sa “Ted Failon at DJ Chacha” sa True FM.