3 pirma na lang ang kailangan

Sila lang ang interesado na tumanggap, magbukas at mag-imbestiga sa flood control corruption. Ibig sabihin yung ibang DDS Senators ayaww.

Anim na senador na ang pumirma sa partial report ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa flood control probe, ayon sa chairperson ng komite na si Sen. Ping Lacson.

Dumagdag sa mga lumagda sa naturang report sina Senate Pres. Tito Sotto at Sen. Erwin Tulfo.

Bukod kay Lacson, nauna nang pumirma sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Kiko Pangilinan, at Sen. Bam Aquino.

Kinakailangan pa ng tatlong pirma upang maihain at maipresenta ito sa plenaryo.