Tinawag ni Vice Pres. Sara Duterte na “political scapegoating” ang ginagawa ng administrasyon ni Pres. Bongbong Marcos sa mga isyung kinahaharap ng bansa.
Reaksyon ito ng bise nang tanungin tungkol sa panawagang paimbestigahan ang Manila Bay Rehabilitation Program, kabilang ang Manila Baywalk Dolomite Beach, dahil sa ulat ng paglala ng baha sa Maynila dahil sa proyekto.
“Hindi na ako magtataka kung lahat ng ginawa o lahat ng ginagawa ni dating pangulong Duterte ay imbestigahan ng administrasyon ngayon. Hindi na rin tayo magtataka kung lahat noong mga nangyayari ay sasabihin nila na kaparte 'yan ng war on drugs at kasalanan 'yan ni president Duterte,” pahayag ng bise.
“Ayaw nilang ibigay 'yung accountability sa mga problema. Tulad ng pagbaha… Hindi 'yung magtuturo sila ng ibang tao. Kasi nililihis nila 'yung attention ng tao sa totoong problema,” dagdag niya.
Ah this? Ah yung palpak na proyekto ng nakaraang adminisyon at the very first place na sasaluhin ni BBM tapos ang current goverment pa ang sisihin? Oh asan dyan yung g walang capacity mag correct ang current admin kaya sasaluhin na lang nila sabay blame?
They are taking responsibility for the failures that the previous administration made. Ikaw lang nag dagdag na walang capacity to correct and current admin.
And why do you blame the current admin? Kung maayos lang yung projects nila edi sana wala problema ngayon, but it seems that all of the projects from the previous admin are just for Short-Term goal, para may maipakita na may may nagawa sila.