“POSISYON NI TITO SOTTO NAMEMELIGRO?!”
Sumang-ayon si dating COMELEC Commissioner Atty. Rowena Guanzon sa babala ni Sen. Ping Lacson kay Senate President Tito Sotto na mag-ingat sa “slim majority.”
“Tama si Senator Lacson na paalalahanan si Senate President Sotto sa mga bagay-bagay dahil sa slim majority.”
Ipinunto ni Guanzon na si Sen. Allan Peter Cayetano, kasalukuyang Minority Leader, ay may husay at karanasan para maging Senate President. Giit niya, dapat tandaan na noong 2016, “symbolic” ang pagpili kay Sen. Koko Pimentel bilang SP dahil parehong Mindanaoan sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Speaker Pantaleon Alvarez.
First time in history: Mindanaoan ang naging President (Digong), Senate President (Koko) at Speaker (Alvarez).
Ngayon, kabilang sa Minority bloc sina:
- Allan Peter Cayetano
- Imee Marcos
- Rodante Marcoleta
- Robin Padilla
- Bong Go
- Bato dela Rosa
- Joel Villanueva
- Jinggoy Estrada
- Chiz Escudero
Ayon kay Guanzon, isang boto lang ang kailangan ng Minority para muling umugong ang muling pagbabago sa liderato sa Senado.
“Kaya lang naman nag-Majority ang dalawang Villar sa tingin ko ay para manatili ang kanilang chairmanship, at sasama naman si Sen. Pia kung si Sen. Allan ang lalaban.”
Kung mangyari ito, muling mauuga ang Senado sa panibagong leadership change at uukit ng kasaysayan ang pinakamaikling termino sa kasaysayan ng Senado.
