Bibisita yata si Boying sa Mindanao?

NEWS UPDATE | KASO LABAN KAY DOJ SEC. REMULLA, NADOCKET NA SA OMBUDSMAN MINDANAO

Kumpirmado na nadocket na sa tanggapan ng Deputy Ombudsman for Mindanao ang mga kasong isinampa laban kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at iba pa kaugnay ng umano’y kidnapping at walong iba pang krimen na naganap noong Marso 11, 2025. Ang reklamo ay inihain ng kampo ni Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Ayon sa mga abogado ng complainant, dahil pormal nang nadocket ang kaso, hindi na ito maaaring basta kanselahin o i-dismiss nang walang malinaw na batayan. Dapat anila ay dumaan ito sa pormal na preliminary investigation at magpalabas ng subpoena para makapaghain ng kani-kanilang counter-affidavits ang mga respondent.

Kasabay nito, naghain din ng mosyon ang kampo ni Duterte para ipainhibit si Acting Ombudsman Dante Vargas, at hiling na sa Ombudsman Mindanao na mismo dinggin ang naturang kaso.

Giit ng mga complainant, bantay-sarado ng publiko ang pag-usad ng kasong ito upang matiyak ang patas na pagdinig at hustisyang para sa pamilya Duterte at sa mga Pilipinong naghahangad ng katotohanan.