‘WHEN EMOTIONS ARE HIGH, INTELLIGENCE IS LOW’
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro tungkol sa naging desisyon ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) na tanggihan ang hinihinging interim release para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Isa sa mga dahilan sa pagtanggi sa interim release para kay Digong ay ang mga binitawang pahayag ni Vice President Sara Duterte, na mababasa sa desisyon na inilabas ng Pre-Trial Chamber I nitong Biyernes, Oktubre 10.
“Mr Duterte’s daughter mentioned in public speeches the idea of breaking Mr Duterte out of the ICC Detention Centre, and attempted to delegitimise the Court’s proceedings against Mr Duterte, citing collusion between the Court and the government of the Philippines,” saad ng ICC judges.
Ayon naman kay Castro sa kanyang live stream nitong Biyernes, “Tandaan ninyo ginamit pa ‘yung salita natin, ito si Attorney Kaufman. So si VP Sara talaga, kakapanira niya sa Pangulo (Marcos Jr.)… masyado siyang emosyonal.”
“Masyado siyang emosyonal, lahat nababanggit niya to please the people na kaharap niya… Ngayon lumalabas, ‘yung mga sinabi niya, ‘yun ‘yung naging dahilan kung bakit hindi na-approve ang interim release,” dagdag pa niya.