Busog na naman si Bonjing
NEWS UPDATE | PBBM ADMIN, MATAGUMPAY NA NANGUTANG NG ₱25B SA TREASURY BILLS
Matagumpay na nakakolekta ng ₱25 bilyon ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa maikling termino ng debt securities, matapos dagsain ng mga lokal na mamumuhunan ang isinagawang Treasury bills (T-bills) auction nitong Lunes.
Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), buong halaga ng target na pondo ang naibigay sa pinakabagong subasta noong Setyembre 1, kung saan umabot sa ₱125.5 bilyon ang kabuuang alok—higit limang beses na mas mataas kaysa sa iniaalok na T-bills.
Mas mataas din ang kabuuang bid ngayong linggo kumpara sa ₱113.8 bilyon na naitala sa nakaraang auction noong Agosto 26.