Di tugma ang halaga sa saln ni vp sara vs. halaga ng mga transaksyon

Sa impeachment hearing, pinagbangga ang datos ng cash at net worth mula sa SALN ni VP Sara Duterte sa halaga ng covered transactions and suspicious transactions ng kaniyang bank account base sa datos ng AMLC.

Hindi umano tugma ang halagang iniulat ng bise kumpara sa perang dumaloy sa kaniyang bank account.

Basahin ang kaugnay na ulat: AMLC: VP Sara, husband had P6.7B in covered, suspicious bank transactions | GMA News Online

Kahit anong ilatag na ebidensya at facts, wala talagang epekto sa mga DDS. Kitang kita naman sa mga responses nila sa mga revelation “nakatanggap ng maleta,” “bayaran media,” at kung anu ano pang palusot.

Imbes na i question at suriin yung issue, hahanap talaga ang DDS ng butas para maipagtanggol ang mga Duterte. Para sa kanila, hindi valid ang kahit anong source basta may kinalaman sa Duterte. Lahat na lang mainstream media, NBI, pati COA tinatawag nilang bayaran.

Ang gusto lang paniwalaan ng DDS ay yung mga mababangong balita kay Sara Duterte, galing sa SMNI at mga DDS vloggers. Walang problema sa pagsuporta, pero kung nagiging panatiko na at sarado na sa facts, ibang usapan na yon.

Isang mental issue ang pagiging DDS. Walang problema sumuporta, pero kung magiging panatiko ka, kaibigan may problema ka na.

  • from fb comment