PNP CONFIRMS ARREST WARRANT FOR GARMA
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na ipinaaaresto na ng Korte ang dating PCSO general manager at drug war whistleblower na si Royina Garma.
Kasunod ito ng inilabas na warrant of arrest ng Mandaluyong RTC Branch 279 para sa kasong murder laban kay Garma dahil sa pagpatay kay PCSO board secretary Wesly Barayuga noong 2020.
Kakasuhan din si Garma ng frustrated murder para naman sa pamamaril sa driver ni Barayuga sa Mandaluyong City.
Bukod kay Garma, ipinaaaresto na rin ng Korte si dating National Police Commission (NAPOLCOM) commissioner Edilberto Leonardo, at police officials na sina Jeremy Causapin, Santie Mendoza, at Nelson Mariano.
Non-bailable ang kasong kinahaharap ng mga akusado. | via Bryan Castillo