Flood Control sa Quezon City

TINGNAN: Flood Control Project sa Davao City, Hinahangaan sa Social Media

Umani ng atensyon online ang isang flood control project sa Davao City, matapos itong ikumpara ng netizens sa ilang umano’y substandard na flood control projects sa ibang bahagi ng bansa.

Sa mga larawang kumakalat ngayon sa social media, makikita ang maayos at matibay na pagkakagawa ng naturang proyekto, mula sa disenyo hanggang sa kalidad ng materyales. Maraming netizens ang nagpahayag ng papuri, sinasabing ito ang dapat maging pamantayan ng mga ganitong uri ng imprastraktura sa buong bansa.

Sa gitna ng mga batikos at isyu ng korapsyon sa ilang flood control projects, itinuturing ng ilan ang proyekto sa Davao bilang patunay na posible ang maayos at tapat na paggamit ng pondo ng bayan.

“Sana all projects ganito kaganda at kapakinabangan,” ani ng isang netizen sa kanyang komento.

Patuloy na umaani ng papuri ang proyekto, habang hinihikayat ng publiko ang ibang LGUs at ahensya na tularan ang kalidad at transparency na ipinakita sa Davao City.