Galawang Lacson

CEMENT SMUGGLING NA AYAW IMBISTIGAHAN

To the Hon. Senator Panfilo Lacson, Sr.:

Marami ka pong isinampang kaso laban sa akin pero yung iba po ay nauna ng ibinasura ng korte. Naniniwala po ako sa proseso ng hustisya sa ating bayan. Lalabas din po ang katotohanan at makakamit ko rin po ang katarungan sa ating mga korte.

Nagpapasalamat po ako sa pagsampa ng mga kaso sa akin para magkaroon ako ng pagkakataon na mailahad ang katotohanan sa korte. Sa korte kasi lumalabas ang katotohanan at ginagalang ang mga witnesses.

Doon kasi sa Senado kawawa ang mga resource persons. Hindi makapaglahad ng katotohanan at binubusalan ninyo ng bibig. Kapag hindi ninyo gusto ang sinasabi ng resource person, puputulin ninyo ang kanilang pagsasalita. Tatakutin ninyo.

Dati mataas ang tingin ko sa inyo kaya nagulat ako na ang isang Panfilo Lacson, Jr. ay isa palang big time smuggler ng semento.

In fact, nalaman ko lang na sa inyo pala yung techincally smuggled na milyong toneladang semento na pumasok sa ating bansa mula noong 2014 hanggang 2016 thru undervaluation of freight cost by more than 50%!

Noong July 2016, nagpabalik-balik si Panfilo Lacson, Jr. sa aking opisina dahil siguro desperado na sya at hinarang ko yung mga barko nya na puno ng semento. Nagalit ka lalo sa akin dahil sa dalas pumunta ng anak mo sa opisina ko noong ako’y Customs Commissioner ay ni minsan hindi ko sya hinarap.

May isang beses pa na nagdala ang anak mo ng isang bag ng pera sa opisina ko at sinabing para daw yun sa cash bond. Alam naman siguro ng anak mo na sa banko binabayaran ang cash bond at hindi sa Bureau of Customs at lalong hindi sa opisina ng Customs Commissioner.

Ngayon po, Sir, ito yung mga dokumento na hawak ko na nagpapatunay na may big time smuggling ng semento sa ating bansa. Sir, please lang, noon ko pa ito panawagan, baka gusto ninyo magpatawag ng senate investigation para mapigilan ang bilyon-bilyong smuglling ng semento sa bansa.