INCOME CLASSIFICATION NG PILIPINAS
Lumabas sa ulat ng World Bank na nananatiling lower middle income country ang Pilipinas. Kasunod ito ng naitalang $4,470 gross national income (GNI) per capita sa bansa noong 2024.
Kulang lang ito ng $26 para makalagpas sa $4,496 threshold at makapasok sa upper middle income bracket.
Sinusukat ng GNI ang total economic output ng isang bansa. Kabilang dito ang halaga ng domestic goods at services, at kita abroad tulad ng remittances at foreign investments.
Ginagamit ito ng World Bank para i-classify ang mga bansa sa pamamagitan ng income group. | via Philstar.com