Pinuna ni Vice Pres. Sara Duterte ang tila kakulangan ng paghahanda ng gobyerno sa mga kalamidad sa kabila ng pagiging disaster-prone ng Pilipinas.
“Wala talagang mga proyekto na nag-a-address sa baha. Ibig sabihin, inaantay na lang natin dumating 'yung bagyo at 'yung baha at maging biktima na naman tayo ulit ng baha taon-taon,” ayon sa bise.
Humirit din ang bise sa pahayag ni Pres. Bongbong Marcos na ipunin ang tubig para gamitin sa agrikultura.
“Ipunin po natin lahat, tapos i-deliver po natin sa Malacañang para po may mainom siya,” ayon kay Duterte.