Kamusta ang Ilocos Norte?

Statement of Rep. Paolo “Pulong” Duterte
September 30, 2025

Kung talagang seryoso ang gobyerno at mga independent agencies sa paglilinis ng flood-control projects, tigilan ang panggagamit ng imbestigasyon bilang props para sa publicity.

Sa Davao City, sinuyod ninyo lahat — papeles, proyekto, audit hanggang huling pako. Resulta? Walang ghost at walang substandard. Nagpagod lang kayo para magpabida.

Pero pagdating sa ibang malalaking distrito sa bansa, biglang nagkaka-selective amnesia. Ano ‘yan, allergic ba kayo kapag malakas ang apelyido?

NBI, CIDG, Ombudsman, NEDA — bakit sa Davao City lang kayo ganado? Sa ibang lugar, biglang nagkukulang sa pamasahe at pang-hotel? Kung tunay kayong anti-corruption, humanap kayo ng paraan. May eroplano, may budget, may mandato kayo — gamitin ninyo.

Huwag gawing props ang Davao para lang may maipakitang “tapang.” Kung maninindigan kayo laban sa maling paggamit ng pondo, gawin ninyo ito sa lahat ng rehiyon — pati sa mga lugar na mahirap galawin.

Nandito na kayo sa Mindanao di niyo na lang dinaanan mga project ni Cong. Dalipe na sigurado ako magaganda at pulido kasing pulido ng paglobo ng tiyan niya.