Mas masahol pa sa Philippine Offshore Gaming Operator ayon kay Senador JV Ejercito ang isyu hinggil sa online gambling bilang mismong mga Pilipino ang sinisira nito.
Ayon sa senador ang mas nakakabahala pa rito ay halos wala nang limitasyon ang access nito dahil isang pindot lang ay pwede ng magsugal.
Kaugnay nito, tulad ng iba pang senador, nanawagan ang senador ng mas maigting na regulasyon para sa online gambling.
Maalala, sa panukalang batas na inihain ni Senador Migz Zubiri target nitong maipagbawal nang tuluyang ang online gambling sa Pilipinas.
Habang ang ilang senador naman ay nagtutulak na ipagbawal lang ang advertisement o promotion nito at patibayin ang regulasyon dito.
yan ang result ng pag ban sa POGO, it will only divert to another type of gambling, at ngayon attempt na naman sila to ban online gambling, magda-divert pa rin yan to other type of gambling later, mali ang solutions nila hindi sustainable, mas favorable pa rin sakin yung ginawa ni digong na peperahan ko nang husto ang sugal, bubusugin ko ang BIR ng taxes galing sa sugal just like how we impose sin taxes to alak at sigarilyo, sinful acts can be a source of a lot of money for the government instead of banning it mas lalo lang mada-divert ang gambling at baka mag divert pa sa type na mas mahirap i-control later
magkaiba kasi yung total ban sa POGO vs banning human trafficking bossing, di lang naman sa POGO industry nangyayari ang human trafficking, pinipilit lang nila palabasin na sa POGO lang nangyayari since POGO is tied with duterte, so para sakin mali ang na-ban, hindi dapat POGO ang i-ban kundi ang human trafficking