MGA ANAK NI BOYING, PINALAKI NG MAAYOS
Matapos manumpa bilang ikapitong Ombudsman ng Pilipinas, nagbigay ng pahayag si Jesus Crispin “Boying” Remulla tungkol sa integridad ng kanyang pamilya.
Sa isang panayam, tinanong siya kung ano ang gagawin niya sakaling masangkot ang kanyang mga anak, kaanak, o kaibigan sa isyu ng katiwalian.
Diretsahan niyang sagot:
“Ako hindi ako natatakot na may gagawin sila na masama kasi we raised them very well.”
Gayunman, matatandaang noong Oktubre 2022, naaresto ang kanyang anak na si Juanito Jose Remulla III matapos umanong makatanggap ng package na naglalaman ng 900 gramo ng k*sh o high-grade mar*j*ana na nagkakahalaga ng ₱1.3 milyon.
Noong Enero 6, 2023, pinawalang-sala si Remulla III ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 197, sa bisa ng utos ni Acting Presiding Judge Ricardo Moldez II, na nagdeklara sa kanya bilang “not guilty” at iniutos ang kanyang agarang paglaya.
Nanumpa si Remulla ngayong Huwebes, Oktubre 9, 2025, kay Senior Associate Justice Marvic Leonen, na sinaksihan nina Associate Justice Antonio Kho at ng kanyang asawa.
