Nilinaw ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte na lahat ng proyekto ng kaniyang distrito ay kumpleto at maayos na ipinatupad noong panahon ng administrasyon ng kaniyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng hamon ni Manila 6th District Rep. Benny Abante na alamin ang pondong nakuha ni Pulong hinggil sa flood control projects.
“Wala namang nagbabagsakan na mga flood control projects dito, wala din mga ghost project dito,” aniya.
Humiling ng data at halaga ng flood control projects si Pulong sa DPWH District at sa mga Regional Office para malaman ito ni Abante.
Hahaha bakit nga ba binabaha pa rin ang Davao kahit konting ulan ay baha agad? P51 Billion Flood Control Project within 3 years? Sobrang laki naman yan.
having flood control projects doesn’t automatically mean no more flooding bossing, these are just mitigating measures like pinapabagal ang pag exist ng baha or pinapabilis ang paghupa ng baha, it is not designed to prevent floods, kasi yung totoong cure sa baha is to stop urbanization in which ayaw naman lahat ng tao na huminto sa pag urbanize ng mga lugar, kaya if gusto mo palabasin ang illegal ni pulong, mag sagawa ka na lang ng actual audit instead of spreading misconceptions about flood control