Nakaka inspire daw yung rags to riches story nila. Eh dun pa lang sa sinabi nila na yumaman sila sa DPWH, red flag na


Pinabulaanan ng broadcast journalist at content creator na si Julius Babao na sampung milyong piso ang kapalit ng panayam niya sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.

Nangyari ang panayam ni Julius sa mga Discaya halos isang taon na ang nakararaan at patuloy na mapapanood sa kanyang Unplugged YouTube channel.

Ang pagtanggi at paglilinaw ni Julius ay kaugnay ng Facebook post ni Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong Huwebes, Agosto 21, 2025.

Nadamay ang pangalan ni Julius at ng kapwa broadcast journalist nitong si Korina Sanchez dahil napagtuunan ng atensiyon ni Mayor Vico ang lumang interviews sa mag-asawang Discaya na nagpapakita ng kanilang yaman.

Si Sarah Discaya ang nakalaban ni Sotto sa mayoral race sa Pasig City noong May 2025 elections.

Sina Sarah at Curlee ang nagmamay-ari sa dalawang construction company na tumanggap umano ng malaking halaga ng pera mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa flood control projects.

MAYOR VICO SOTTO’S FACEBOOK POST

Sa kanyang Facebook post, binigyang-pansin ni Mayor Vico ang pag-interbyu ng ilang kilalang journalists sa mga contractor na pumapasok sa politika kapalit umano ng malaking halaga.

Bahagi ng post ni Mayor Vico: “With these interviews again going viral, let’s look at it from a different angle…

“Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, 'Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million* para lang magpa-interview sa akin??”

“I know for a fact that there are many good, honest people in media who are disappointed, if not angered, at practices like this which undermine the integrity of their profession.

“In this case, maybe they didn’t do anything technically ‘illegal,’ but at the very least it should be considered shameful and violative of the spirit of their code of ethics.

1 Like