LOOK: Here is the notarized affidavit of Ramil Lagunoy Madriaga — hindi troll, hindi haka-haka, hindi anonymous source.
Isang taong galing EIB, NSC, ISAFP, RIPS, at PSG GHQ. Isang operatibang iniutos mismo ni Rodrigo Duterte noong 2016 na magbigay ng political intel at mag-organize ng Duterte support groups.
SUMMARY:
• Si Ramil Madriaga ay hindi kung sino-sino. Siya ang intel operative na galing sa EIB, NSC–ISAFP, RIPS, at PSG GHQ mula 1993 hanggang 2021. Siya ang taong ipinakilala kay Rodrigo Duterte para sa political at security intelligence. Alam niya ang loob, hindi ang tsismis.
• Noong 2016, siya mismo ang nag-organize ng support groups para sa presidential bid ni Duterte. Hindi volunteer. Hindi taga-ibang kanto. Utos ng mismong kampo.
• Noong nanalo si Rodrigo Duterte, ginawa siyang counter-intelligence agent ng National Security Council. Ito ang posisyong hindi ibinibigay sa taong hindi trusted.
• Noong 2018, ipinasa siya kay Sara Duterte. Siya ang naging intel handler, political operative, at logistics man ng Davao mayor na papuntang vice president. Siya ang naglatag ng mga preparasyon para sa 2022 presidential plans ni Sara.
• Siya ang founder at National Convenor ng Inday Sara Is My President at ISIP Pilipinas. Funding daw? Galing kay Sara Duterte at iba pang support groups. Nakarehistro sa SEC.
• Noong nanalo si Sara bilang vice president, siya ang nag-organize ng Vice Presidential Security and Protection Group. Siya ang nag-recommend kay Col. Nolasco at Col. Lachica, na siyang naging sentro ng mga transaksyong ilalabas niya ngayon.
Now the bombs:
Confidential funds, cash deliveries, at duffle bags
• December 2022: apat na duffle bags na tig-33 to 35 million pesos bawat isa ang ipinakuha sa kanya. Galing sa DepEd vehicles. Utos nina Col. Lachica at Col. Nolasco.
• One duffle bag: para sa isang mayor sa Laguna. Dinala niya mismo.
• Another duffle bag: delivered sa comedy bar sa Timog. Nandoon daw si OVP spokesperson Reynold Munsayac. Signal lang, leave the money, alis.
• Another duffle bag: iniwan sa Ombudsman parking. Park. Lock. Leave keys sa front wheel. May kukuha.
• Isa pa: 80 million pesos cash inside a white Toyota Vios. Ipinadrive sa kanya papuntang SM Megamall. Leave car. Walk away. May kukuha.
• Nakita niya raw ang parehong Vios na minamaneho ng asawa ng Ombudsman prosecutor na ka-batch ni Sara Duterte sa law school.
Mas malaki pa:
• February 2020: pinakuha siya ng isang Super Grandia na may laman na one billion pesos cash. I-deliver daw sa Katarungan Village. Kinumpirma raw mismo ni Rodrigo Duterte via phone na natanggap ito ng mga intended recipients.
• January 2022: dalawang sunod na Honda Civic na may cash na inutos ni Sara na i-deliver sa isang pamilya sa Jordan Plains, Novaliches. Gated village.
The drug angle: magnetic lifters, tons of meth, at utos mula sa inner circle
• Sa meeting daw niya kay Atty. Mans Carpio sa BGC, inutusan siya na kunin ang magnetic lifters sa Bureau of Customs. Same method, same style na ginamit sa mga shipment na sinasabing may lamang tons ng shabu.
• Noong naging hot item ang shipment, nag-meeting ulit sila kay Mans Carpio. Ang sabi daw: do what is necessary. Proceed.
• After several days: nalaman daw ni Ramil na nailabas ang magnetic lifters dahil sa efforts ng broker na si Mark Taguba.
Funding sources
• Sabi niya, ang funding raw ng ISIP (Inday Sara is My Presiden) Pilipinas at mga parallel groups noong 2021–2022 ay galing sa POGO operators at drug dealers. May specific pickup locations: The Gate sa Pampanga, Vertis North Mall, Seda Hotel QC, at Grand Hyatt BGC.
At may reservation pa siya. Naka-ready pa raw ang isa pang affidavit tungkol kina Sara Duterte, Mans Carpio, Col. Nolasco, Col. Lachica, Ombudsman Prosecutor Ryan Rey Quilala, at OVP spokesperson Reynold Munsayac. Lahat raw may roles sa distribution at pag-deliver ng pera.
LOOK at the document: notarized, subscribed, sworn. Hindi meme. Hindi marites.
At ang tanong ngayon, habang lumalabas ito: sino ang nagmamadaling magpabakasyon, magpa-17-country tour, magpa-takedown ng critical pages, at magpaikot sa BJMP NCR?
Kapag ganito kabigat ang affidavit, hindi mo sisirain ang naglabas. Sisindihan mo ang ilaw.
Because this is no longer a crack in the wall.
This is the sound of a collapsing empire.
