Nasakote ng pulisya ang isang pulis na aktibo sa kaniyang serbisyo matapos niyang holdapin ang isang convenience store sa Bukidnon.
Ayon sa mga ulat, may ranggong police corporal ang suspek.
Makailang beses umanong tiniktikan ng suspek ang labas at loob ng convenient store bago isinagawa ang krimen. Nagpanggap pa raw ang suspek na customer na kumuha ng ilang mga produkto at saka lumapit sa cashier.
Paglapit niya sa cashier, doon na raw bumunot ng baril ang nasabing pulis at saka tinutukan ng baril ang babaeng kahera. Tinatayang nasa ₱12,000 ang halaga ng nalimas ng suspek mula sa kita ng naturang convenient store.
Samantala, matapos ang ikinasang follow-up operation ng Manolo Fortich Municipal Station, natimbog nila ang suspek na positibong nakilala bilang pulis.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nakatakdang ilipat sa custodial facility ng Bukidnon Police Provincial Office habang inihahanda ang reklamomg robbery na isasampa laban sa kaniya.
SALAMAT ONLINE CASINO HAHAHAHAHA