Sa mga DDS diyan, ganito na lang ba kababa ang standard niyo for national leadership? The intention is clearly not to serve the Filipino people, but to serve one man’s will (Duterte).
Hindi na nakapagtataka kung bakit paulit-ulit tayong nalulugmok sa siklo ng kapalpakan sa pamamahala. Sa tuwing mas pinipili ang pangalan kaysa prinsipyo, at ang bulag na katapatan kaysa pananagutan, kusa nating ibinababa ang pamantayan ng pamumuno. At habang hindi natin ito kinikilatis, mananatili tayong umiikot sa lugmok na sistema habang umaasang may magbago, kahit tayo mismo ang tumatangging magbago.