Salamat bangag haha

NEWS UPDATE | PSEI LUMAGPAK SA ILALIM NG 6,000: EKONOMIYA, LUGMOK SA ILALIM NG MARCOS ADMIN

Bumagsak sa ilalim ng 6,000 puntos ang Philippine Stock Exchange Index (PSEI) sa gitna ng mga eskandalo ng katiwalian na yumanig sa bansa. Ayon sa datos, nanatili na lamang sa halos parehong antas ang blue chip index mula pa noong 2013, dahilan para tawaging “lost decade” ang ekonomiya ng Pilipinas.

Sa parehong panahon, umarangkada ng 400% ang US equities at 300% ang presyo ng ginto. Sa Pilipinas, umabot pa sa all-time high na 9,000 ang PSEI noong Enero 2018, sa ilalim ng administrasyong Duterte. Ngunit matapos ang ilang taon, lalo nang nahulog ang merkado sa pamumuno ni Pangulong Marcos Jr., dulot ng kabi-kabilang alegasyon ng anomalya at pang-aabuso sa pondo ng bayan.