Salamat Pilipinas

Sobrang dismayado ako sa sistema ng hustisya sa Pilipinas.

Isang 81 anyos na lolo ang ikinulong, inaresto dahil lang kapangalan niya raw ang isang wanted na tao, and the only difference? A “Jr.” at the end of his name.

December last year, hinuli si Tatay Pruding sa Olongapo. Hindi siya tumakbo. He went with the officers calmly, dala ang buong buhay niya sa bag: birth certificate, marriage contract, barangay ID, litrato, kahit ano para patunayan na siya si Prudencio Calubid Jr., hindi Sr. Hindi ’yung NDF peace consultant na matagal nang nawawala. Pero walang nakinig, walang pumansin.

And so he spent the last few months in detention while the real Calubid Sr. remains missing since 2009. Ang masakit? Someone probably claimed the P7.8 million bounty. And no one cared if they got the wrong man.

Paglabas niya ngayong gabi, dala niya ang sombrerong iniabot ng mga kosa niya, at isang t-shirt na may sulat para sa kanya. Para kay Tatay. Para sa isang taong wala namang kasalanan, kundi nagpakamalan lang dahil may kapangalan siyang kriminal.

Sabi nga ng abogada niyang si Sol Taule:

“Is it not prudent to verify information first?
What is Tatay Pruding’s crime?
Why is he being held for having a similar name?
These things are easily verifiable.”

And she’s right. Kung sa sistemang ’to, puwede kang makulong kahit inosente ka, just because of a name, how can people still believe the law is on their side? If even the innocent end up behind bars, then what kind of justice do we really have?

This isn’t just a mistake.
Bulok talaga ang hustisya sa Pinas!

1 Like

detention pa lang naman yan bossing, di naman siya nahatulan, so i think it has nothing to do with the justice system kasi hulihin talaga lahat ng possible na suspect dapat but instead the performance of the court masyadong mabagal

Mistaken identity and almost 7 months in detention/prison dapat ginamit ng mga pulis yung tinawatawag nilang intelligence funds.

parang court lang ata ang nakaka confirm ng identity bossing, so any possible suspects ay huhulihin talaga ng pulis since they don’t have the power to confirm identities, si Alice Guo nga confirmed na sa NBI pa lang pero court pa rin talaga ang final authority

Nagbigay siya ng Birth Cert. na siya ay isang Jr and not a Sr. doon palang alam na nila ang pagkakaiba.

ganun din yung kay Alice Guo, NBI clearance na Guo Hua Ping, pero di pa rin authorize ang NBI bossing, nag hintay pa rin talaga ng Court, pero pabor din ako sa ganitong setup para sure tayo na matutulungan tayo ng court if magkamali ang law enforcers, though nakaka awa talaga pag 81 years old na

pwede nyang balikan ng demanda ang govt. at mag claim ng danyos base on RA 7309

Oo, pwede niya balikan pero mahirap na para sa 81 Yrs old bossing.

You must admit na sobrang inefficient ng sistema kung iaasa sa korte ang identification ng suspect. Mabagal n nga ang NBI, aalisin pa natin ung validity nila.

suspect is still identified bossing but it is the court that can decide if it’s the correct one, kaya nga pag nagpa extradite tayo ay need talaga iharap sa court kasi court lang talaga ang may power to declare an identity, or else magiging legit ang ginawa kay digong na pulis lang ang nag confirm ng identity niya, mismo icc nga hindi naniwala sa nag turnover eh nagkaroon pa rin ng session with the court to confirm digong’s identity, at hindi lang yan sa pinas kundi international law mismo nagsasabi na need iharap sa court for confirmation of identity, so i think it has nothing to do with the quality of the justice system