The story of 12% vat

Kahapon naggrocery kami - ₱1,200+ agad ang napunta sa 12% tax

Kumain kami sa labas, may 12% VAT na naman sa resibo

Nag-renew ako ng Netflix, may dagdag dahil sa 12% VAT sa digital services

Pati sa Steam, bago makapag-checkout, may “sales tax will be calculated” pa

Sa Shopee at Tiktok, hindi man natin nakikita pero yung mga nagbebenta meron ding kaltas sa kanila - tax nanaman

Grabe. Kada galaw mo, may buwis. Kahit saan ka bumaling, may kaltas. Tapos ang tanong - saan napupunta lahat ng ito?

Kapag ikaw, simpleng nagnenegosyo, ma-late lang ng isang araw sa pagfafile sa BIR - automatic penalty yan. Pero sila? Kahit bilyon-bilyon ang nakawin, walang kaso, walang kahihiyan, walang accountability.

Nakakagalit. Ang kasakiman ng mga nakaupo, tayo ang pumapasan.

Hindi puwedeng puro tayo na lang ang pinipiga habang sila ay malaya sa pagnanakaw. Huwag tayong manahimik. Huwag nating hayaang mamatay ang issue na ‘to.

TAPOS NANAKAWIN LANG NI DRACULA AT BONJING? Bagong Pilipinas hahaha