NEWS UPDATE | SEN. JV EJERCITO AT APAT NA SENADOR, IKINUKONSIDERA ANG PAGLAYAS SA MAJORITY BLOC NI SOTTO
Nangangamba ngayon ang liderato ng Senado matapos ibunyag ni Senador JV Ejercito na siya, kasama ang apat pang kasamahan, ay pinag-iisipang kumalas mula sa majority bloc na pinamumunuan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Giit ni Ejercito, nawawala umano sa tamang direksyon ang Senado sa pagdinig ukol sa kontrobersyal na flood control projects.
“For me the focus should be sa real culprits ng modus, mukhang nawawala doon,” wika ni Ejercito.
Ipinahayag din ng senador ang kanyang pagkadismaya sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
“It was a thought. Trabaho lang ako. I am just frustrated and sad at what is happening to this country. Hindi na tayo makausad,” dagdag pa niya.
Nilinaw naman ni Ejercito na wala pang sinumang senador ang nais humalili kay Sotto, ngunit pinag-aaralan nila ang posibilidad na bumuo ng isang independent bloc